IMPORTANT: Are you enrolled in Medi-Cal? Has your contact information changed in the past two years? Give your county office your updated contact information so you can stay enrolled. Go to benefitscal.com or call the Los Angeles County Department of Public Social Services at 1-866-613-3777

Mga Serbisyo ng Pagsasaling-wika

May karapatan ka sa mga libreng serbisyo ng pagsasaling-wika, gayundin sa American Sign Language. Makakakuha ka ng mga serbisyong ito 24 na oras sa isang araw, pitong araw sa isang linggo.

Mas makabubuting kumuha ng isang propesyunal na tagasaling-wika sa iyong appointment na pangmedikal. Hindi mo dapat gamitin ang mga kaibigan, kapamilya, o mga bata upang magsaling-wika para sa iyo.

Paano Makakakuha ng Mga Serbisyo ng Pagsasaling-wika

InterpreterTumawag sa Mga Serbisyo para sa Miyembro sa 1-888-839-9909 (TTY 711). Bukas ang Mga Serbisyo para sa Miyembro nang 24 na oras sa isang araw, 7 araw sa isang linggo, kasama ang mga holiday.

Para sa mga personal na serbisyo ng pagsasaling-wika, ipaalam sa amin kung:

  • Sino: Para sa iyo ba ang appointment, o para sa iyong anak? 
  • Ano: Sa anong doktor ka magpapatingin? Gusto mo ba ng lalaki o babaeng tagasaling-wika? 
  • Kailan: Anong oras ang iyong appointment? Kailan mo gustong pumunta roon ang 
    tagasaling-wika?
  • Saan: Saan ang iyong appointment? Ano ang address? Mayroon bang partikular na gusali?
  • Bakit: Para saan ang appointment na ito? Pag-follow up?  Pagpapakonsulta?  
    Pagpapatinging Pangmedikal?

Kailangan mo ba ng Napapanahong Tulong sa Pagsasaling-wika?

  • Tawagan kami nang hindi bababa sa 10 araw ng negosyo bago ang iyong appointment. Kung mas mahabang panahon ang maibibigay sa amin, mas malamang na makahanap kami ng isang tagasaling-wika para sa iyo.
  • Magbigay ng tumpak at kumpletong impormasyon. 
  • Mangyaring tawagan ang Mga Serbisyo para sa Miyembro sa 1-888-839-9909 (TTY 711) kung magbabago ang iyong appointment. Bukas ang Mga Serbisyo para sa Miyembro nang 24 na oras sa isang araw, 7 araw sa isang linggo, kasama ang mga holiday.
     

Unang bahagi: Bakit mahalagang kumuha ng interpreter
Ikalawang bahagi: Mga karapatan at responsibilidad
Ikatlong bahagi: Paano makakuha ng serbisyo sa pag-interpret
 

Mga Dokumento sa Iyong Wika at Format

Maaari kang kumuha ng mga materyales ng miyembro sa wika o format na gusto mo, tulad ng malaking print o nasa format ng audio.

Paano Humiling ng Dokumento sa Iyong Wika o Format
Tumawag sa Mga Serbisyo para sa Miyembro sa 1-888-839-9909 (TTY 711) upang humiling ng dokumento sa iyong wika/format. Bukas ang Mga Serbisyo para sa Miyembro nang 24 na oras sa isang araw, 7 araw sa isang linggo, kasama ang mga holiday.
 

Mga Reklamo

Makakapagsampa ka rin ng isang reklamo kung:

  • Pakiramdam mo ay pinagkaitan ka ng mga serbisyo dahil hindi ka nagsasalita ng Ingles
  • Hindi ka makakuha ng tagasaling-wika
  • Mayroon kang reklamo tungkol sa tagasaling-wika
  • Hindi ka makakuha ng impormasyon na nasa iyong wika o format
  • Hindi natutugunan ang iyong mga pangangailangang pangkultura
Paano Magsampa ng Reklamo sa Iyong Wika

PhoneMayroong apat na paraan upang magsampa ng reklamo:

  1. Tumawag sa Mga Serbisyo para sa Miyembro sa 
    1-888-839-9909 (TTY 711)
  2. Maghain Online
  3. Sumulat sa:
    Member Services Department
    1055 W. 7th Street, 10th Floor
    Los Angeles, CA 90017
  4. Mag-fax sa 213-438-5748