May karapatan ka sa mga libreng serbisyo ng pagsasaling-wika, gayundin sa American Sign Language. Makakakuha ka ng mga serbisyong ito 24 na oras sa isang araw, pitong araw sa isang linggo.
Mas makabubuting kumuha ng isang propesyunal na tagasaling-wika sa iyong appointment na pangmedikal. Hindi mo dapat gamitin ang mga kaibigan, kapamilya, o mga bata upang magsaling-wika para sa iyo.
Paano Makakakuha ng Mga Serbisyo ng Pagsasaling-wika
Tumawag sa Mga Serbisyo para sa Miyembro sa 1-888-839-9909 (TTY 711). Bukas ang Mga Serbisyo para sa Miyembro nang 24 na oras sa isang araw, 7 araw sa isang linggo, kasama ang mga holiday.
Para sa mga personal na serbisyo ng pagsasaling-wika, ipaalam sa amin kung:
- Sino: Para sa iyo ba ang appointment, o para sa iyong anak?
- Ano: Sa anong doktor ka magpapatingin? Gusto mo ba ng lalaki o babaeng tagasaling-wika?
- Kailan: Anong oras ang iyong appointment? Kailan mo gustong pumunta roon ang
tagasaling-wika? - Saan: Saan ang iyong appointment? Ano ang address? Mayroon bang partikular na gusali?
- Bakit: Para saan ang appointment na ito? Pag-follow up? Pagpapakonsulta?
Pagpapatinging Pangmedikal?
Kailangan mo ba ng Napapanahong Tulong sa Pagsasaling-wika?
- Tawagan kami nang hindi bababa sa 10 araw ng negosyo bago ang iyong appointment. Kung mas mahabang panahon ang maibibigay sa amin, mas malamang na makahanap kami ng isang tagasaling-wika para sa iyo.
- Magbigay ng tumpak at kumpletong impormasyon.
- Mangyaring tawagan ang Mga Serbisyo para sa Miyembro sa 1-888-839-9909 (TTY 711) kung magbabago ang iyong appointment. Bukas ang Mga Serbisyo para sa Miyembro nang 24 na oras sa isang araw, 7 araw sa isang linggo, kasama ang mga holiday.
Unang bahagi: Bakit mahalagang kumuha ng interpreter
Ikalawang bahagi: Mga karapatan at responsibilidad
Ikatlong bahagi: Paano makakuha ng serbisyo sa pag-interpret
Mga Dokumento sa Iyong Wika at Format
Maaari kang kumuha ng mga materyales ng miyembro sa wika o format na gusto mo, tulad ng malaking print o nasa format ng audio.
Paano Humiling ng Dokumento sa Iyong Wika o Format
Tumawag sa Mga Serbisyo para sa Miyembro sa 1-888-839-9909 (TTY 711) upang humiling ng dokumento sa iyong wika/format. Bukas ang Mga Serbisyo para sa Miyembro nang 24 na oras sa isang araw, 7 araw sa isang linggo, kasama ang mga holiday.
Mga Reklamo
Makakapagsampa ka rin ng isang reklamo kung:
- Pakiramdam mo ay pinagkaitan ka ng mga serbisyo dahil hindi ka nagsasalita ng Ingles
- Hindi ka makakuha ng tagasaling-wika
- Mayroon kang reklamo tungkol sa tagasaling-wika
- Hindi ka makakuha ng impormasyon na nasa iyong wika o format
- Hindi natutugunan ang iyong mga pangangailangang pangkultura
Paano Magsampa ng Reklamo sa Iyong Wika
Mayroong apat na paraan upang magsampa ng reklamo:
- Tumawag sa Mga Serbisyo para sa Miyembro sa
1-888-839-9909 (TTY 711) - Maghain Online
- Sumulat sa:
Member Services Department
1200 W. 7th Street
Los Angeles, CA 90017 - Mag-fax sa 213-438-5748